Bayanihan sa Sunog sa Pandacan

Agri Kaagapay Organization In Action

Labis ang lungkot ng mga taga Pandacan Manila partikular sa Barangay 850 kung saan nagsimula ang sunog dakong ala-sais ng umaga at ang kalapit na barangay 851 na nadamay din sa nangyaring trahedya kahapon ng umaga ng Enero 11, 2024. Higit 300 residente ang nawalan ng bahay dahil sa sunog. Marami ang walang naisalbang gamit sa ilang mga kababayan dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari . Maririnig mo sa mga daing ng ilang mga residente ng nasunugan ang paghingi ng tulong para sa kanilang mga kalagayan.

Isa sa mabilis na tumugon sa kanilang panawagan sa paghingi ng tulong ay si Ms. Virginia Rodriguez kasama ang Agri Kaagapay Organization. Agad namahagi si Ms. Rodriguez ng mga pangunahing gamit katulad ng mga kumot, damit at pagkain para sa mga nasunugan. Ito ay para maibsan ang nararamdamang lungkot at hirap ng mga nadamay sa sakuna .

Damang-dama ng mga nasunugan ang malasakit na pinaabot ni Ms. Rodriguez sa kanila sapagkat napakabilis ng naging tugon nito sa kanilang panawagan.Nagpapatunay lamang na ang pagtulong na ginagawa ni Ms. Rodriguez ay bukal at hindi nangangailangan ng pagkilala o anupa man.Buhay ang diwa ng bayanihan sa puso ni Ms. Virginia Rodriguez kasama ang kanyang agri-kagapay organization sa oras ng kagipitan.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *