Aral-Hanapbuhay ng Act-Agri-Kaagapay

Pinasinayanan ng presidente ng Act-Agri-Kaagapay Organization na si Ms. Virginia Rodriguez ang Aral -HanapBuhay program sa Barangay LumangLipa, Bayan ng Mataas na Kahoy sa Probinsya ng Batangas. Ang layunin ng naturang programa ay matulungan ang mahihirap na Pilipino na magkaroon ng pagsasanay sa larangan ng ibat ibang kaalaman at magamit itong panimula ng mga nagsasanay sa pagnenegosyo. 

Katuwang ni Ms. Virginia Rodriguez sa paghahatid ng mga makabuluhang programa ay ang mga masipag na lider ng  bayan ng  Mataas na Kahoy sa pangunguna ng ina ng bayan na si Mayora Janeth Ilagan, Vice-Mayor Jay Ilagan at Kap. Novilito Manalo. 

Unang bahagi ng programa ng Aral-Hanapbuhay ay ang pagsasanay ng paggugupit at pagkukulay ng buhok. Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng isang daang mamamayan ng Barangay LumangLipa simula May 6 hanggang May 8, 2024. Naging makabuluhan ang nasabing pag-aaral dahil bukod sa kaalaman na naibahagi ng programa, tumanggap din ng pinansyal na tulong at kumpletong libreng hair cutting kit ang mga nagtapos.

Marami pang ibabahagi ang act-agri-kaagapay na pagsasanay para madagdagan ang kaalaman at pagkikitaan ang mga mahihirap na Pilipino na gusto ring magka-negosyo ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Kasama sa mga susunod na mga programa ay ang pagtuturo ng tamang pag me-make-up, paggawa ng mga organic fertilizers at iba pang pagsasanay na may kaugnayan sa pagpapa-angat ng antas ng buhay ng mga Pilipino.

Ang pangarap ni Ms. Virginia Rodriguez ay nasa direksyon din ng pangarap ni Presidente Bongbong Marcos, “Walang Pilipinong Dapat Magutom”.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *